Like us on Facebook Follow us on Twitter Email us Follow us on Twitter Watch us on Youtube SiteMap •  Links  • jobs@nscb.gov.phDo Business With Us 

Poverty Statistics - Press Release

 

 Filipino Version

 

 

Press Release
Poverty incidence unchanged,
as of first semester 2012—NSCB
                          
(NSCB-PR-201304-NS1-04, Posted 23 April 2013)


The National Statistical Coordination Board (NSCB) releases its latest report today on the state of poverty in the country. The report— using data from the Family Income and Expenditure Survey (FIES) conducted by the National Statistics Office (NSO) last July 2012– measured poverty incidence or the proportion of people below the poverty line to the total population.

In a press briefing, NSCB Secretary General Jose Ramon G. Albert reports that poverty incidence among population was estimated at 27.9 percent during the first semester of 2012.  Comparing this with the 2006 and 2009 first semester figures estimated at 28.8 percent and 28.6 percent, respectively, poverty remained unchanged as the computed differences are not statistically significant.

Food and poverty thresholds

The report points out that during the first semester of 2012, a Filipino family of five needed PhP 5,458 to meet basic food needs every month and Php 7,821 to stay above the poverty threshold (basic food and non-food needs) every month. These respective amounts represent the food and poverty thresholds, which increased by 11.1 percent from the first semester of 2009 to the first half of 2012, compared to the 26.0 percent-increase between the 1st semesters of 2006 and 2009.  

The food threshold is the minimum income required by an individual to meet his/her basic food needs and satisfy the nutritional requirements set by the Food and Nutrition Research Institute (FNRI), while remaining economically and socially productive. Put another way, the food threshold helps measure food poverty or “subsistence,” which may also be described as extreme poverty.

Poverty threshold is a similar concept, but incorporates basic non-food needs, such as clothing, housing, transportation, health, and education expenses, among others.

Poverty among Filipino families

The NSCB also releases statistics on poverty among families—a crucial social indicator that guides policy makers in their efforts to alleviate poverty.

According to the report, the subsistence incidence, which represents the proportion of Filipino families in extreme poverty, was estimated at 10.0 percent during the first semester of 2012. At 10.0 percent in the first semester of 2009 and 10.8 percent in the first half of 2006, the differences among these three figures remain statistically insignificant.

In terms of poverty incidence among families, the NSCB estimates a rate of 22.3 percent during the first semester of 2012, and 23.4 percent and 22.9 percent during the same periods in 2006 and 2009, respectively.

Estimated cost of eradicating poverty

The NSCB also releases other poverty-related statistics, such as the income gap. This measures the amount of income required by the poor in order to get out of poverty, in relation to the poverty threshold itself. This may be used as a hypothetical benchmark for the amount needed to eradicate poverty as a whole, assuming expenses are focused solely on assistance rather than on targeting costs (such as operations and implementation). 

In other words, using figures for the income gap and the poverty threshold, the NSCB estimates the total cost of poverty eradication (exclusive of targeting costs) is Php 79.7 billion for the first semester of 2012. It should be noted that the budget of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) for the CCT was Php 39.4 billion for the entirety of 2012.

More frequent release of poverty statistics

The release of the latest official poverty statistics is a remarkable milestone for the country. In previous years, official poverty statistics were only released every three years, and usually with a one-year time lag from the year when the FIES data was first collected. However, starting this year, poverty statistics will be available in two series for every year in which the FIES is conducted—once, for the first semester and secondly, for the entire year.

In August 2012, Director General Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority (NEDA) suggested to the NSCB and the NSO to examine FIES data for the first semester of 2012 and release it as quickly as possible. This is consistent with earlier efforts and discussions of the TC PovStat and the NSCB to respond to the growing need for more frequent and timely poverty statistics.

Albert says that the NSCB—along with partner institutions such as the NSO, the Bureau of Agricultural Statistics (BAS) and the members of the TC PovStat – ramped up the estimation and publication schedule to make this possible, while ensuring data quality and accuracy.

He hopes that, through this initiative , the Philippine Statistical System, particularly the NSCB, will be able to deliver a clearer, more relevant and more up-to-date snapshot of poverty in the Philippines to help policymakers and stakeholders alike (from both the public and private sectors) craft informed programs and policies based on timely and accurate statistics. 

 


Dami ng mahirap sa Pilipinas, walang pagbabago mula first semester ng 2006 at first semester ng 2012 - NSCB
(NSCB-PR-201304-NS1-04, Posted 23 April 2013)

Inilabas ngayong araw ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ang pinakahuling ulat tungkol sa bilang ng mga mahihirap sa ating bansa mula sa mga poverty lines na sinukat ng NSCB at sa mga datos na kinalap hango sa Family Income and Expenditure Survey (FIES), na isinagawa ng National Statistics Ofice (NSO) noong July 2012. Mula rito, sinukat ang poverty incidence  o bahagdan ng ating populasyon na kumikita nang mababa sa poverty line.

Sa isang press briefing, iniulat ni NSCB Secretary General Jose Ramon G. Albert na halos tatlo sa sampung Pilipino ang mahirap noong unang semester ng taong 2012. Ang poverty incidence sa kabuuang populasyon ng ating bansa ay tinatayang  27.9% Kung ihahambing ang numerong ito sa tinatayang mga numero noong unang semester ng 2006 at 2009  na 28.8% at 28.6%, ayon sa pagkasunod, ang kahirapan sa Pilipinas ay walang malaking pagbabago at itinuturing ang pagbabagong ito na hindi “statistically significant”.

Ang Food at Poverty Thresholds

Inilalarawan ng nasabing ulat,  na ang isang pamilyang Pinoy na binubuo ng limang katao ay dapat kumita ng halagang PhP 5,458 kada buwan upang makamit ang pangunahing pangangailangan sa pagkain at halagang PhP 7,821 kada buwan kung isasali rin naman ang mga pangagailangan maliban sa pagkain noong unang semester ng 2012.  Sa halagang nabanggit na food at poverty thresholds, mapapansin na tumaas ang mga halaga nito ng 11.1% mula sa unang semester ng 2009 hanggang sa unang anim na buwan ng taong 2012, kumpara sa 26% na pagtaas sa pagitan ng mga unang semesters ng  2006 at 2009.

Ang food threshold ay ang pinakamababang maaring kita/income ng isang indibidwal upang matugunan nito ang pangunahing pangangailangan sa pagkain na may sapat na nutrisyon na itinatakda ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) upang manatiling produktibo sa kanyang buhay socio-ekonomiko. Dagdag pa rito, nakatutulong din ang food threshold upang masukat ang food poverty o “subsistence” na kung tawagin din ay extreme poverty.

Ang poverty threshold ay katulad din ng konsepto ng food threshold subalit kabilang na rito ang mga pangangailangan bukod sa pagkain, tulad ng gastos sa transportasyon, kalusugan, edukasyon, at marami pang iba.

Ang kahirapan sa hanay ng pamilyang Pinoy

Ang NSCB ay nagpapalabas din ng datos ukol  sa kahirapan sa pamilyang Pinoy. Ito’y  isang mahalagang “social indicator” na nagbibigay ng tamang direksyon sa mga policy makers sa kanilang gawaing masugpo ang kahirapan sa bansa.
Ayon sa ulat, ang “subsistence incidence” na kumakatawan sa bahagdan ng mga pamilya sa ating bansa na nabibilang sa tinatawag na “extreme poverty” ay tinatayang nasa 10% sa unang semester ng 2012.  Ganito rin halos ang datos noong 2009 samantalang 10.8% ang tinatayang numero noong first semester ng 2006. Itinuturing na hindi “statistically significant” ang pagkakaiba ng mga nabanggit na mga datos.

Tinataya rin ng NSCB, na ang “poverty incidence among families” o bahagdan ng mga pamilyang Pinoy na mahirap ay umabot sa 22.3% sa unang semester ng taong 2012, kumpara sa 22.8% noong  unang semester ng 2009.  Hindi rin statistically significant ang mga pagbabagong ito.

Ang pagtaya sa halaga ng gastusin upang masugpo ang kahirapan sa bansa

Maliban sa mga nabanggit na konsepto sa kahirapan, nagpapalabas din ang NSCB ng iba pang estadistika ukol dito tulad ng tinatawag na “income gap”.  Ito ay isang sukatan ng halaga ng sahod at kitang kailangan ng mga mahihirap upang makawala sa kahirapan, at may kaugnayan din sa poverty threshold. Ito ay maaring gamitin bilang “hypothetical benchmark” para makuha ang halagang kailangan upang sa pangkahalatan ay masugpo ang problema sa kahirapan, kung ang gastusin rito ay nakatuon sa pagtulong sa kanila maliban sa mga targeting costs (sa operation and implementation ng programa).

Sa madaling sabi, kapag ginamit ang income gap at poverty threshold, lumalabas na ang pagtaya sa  “total cost of poverty eradication” (hindi kasama ang targeting cost) ay PhP 79.7 bilyon para sa unang semester ng 2012. Kung mapapansin, ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa programa nito sa CCT ay PhP 39.4 bilyon  para sa buong taon ng 2012.   

Mas malimit na pagpapalabas ng poverty statistics

Isang natatanging hakbangin para sa Philippine Statistical System (PSS) ang pagpapalabas ng kasalukuyang datos ukol sa kahirapan. Noong mga nakalipas na panahon,  ang official poverty statistics ay lumalabas lamang sa bawat tatlong taon na makalipas, na may kasama pang isang taong time lag mula sa panahong isinasagawa ang FIES. Subalit, simula ngayong taong ito, ang poverty statistics ay magiging available na sa dalawang series sa bawat taon na isinasagawa ang FIES, una para sa unang semester at ikalawa, para sa buong taon.
Noong Agosto 2012, iminungkahi ni Director General Arsenio M. Balisacan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa NSCB at NSO na pag-aralan ang mga datos ng FIES para sa unang semester ng 2012 at magpalabas kaagad ng mga estadistika ukol rito. Ito rin ay alinsunod sa mga mga hakbangin at pag-uusap sa Technical Committee on Poverty Statistics (TC PovStat) at ng NSCB na tugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mas madalas at napapanahong estadistika ukol sa kahirapan.

Sinabi ni  NSCB Secretary General Albert na ang NSCB, kasama ang mga kabalikat na institusyon tulad ng NSO, Bureau of Agricultural Statistics (BAS), at mga miyembro ng TC PovStat – ay nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang estimation ng first semester poverty statistics, at maseguro ang data quality at accuracy nito.

Umaasa si Albert na sa ganitong hakbangin, ang PSS, lalo’t higit ang NSCB, ay makapagpalabas ng mas maayos, mas makabuluhan at napapanahong datos ukol sa kahirapan sa Pilipinas upang makatulong sa mga policy makers at mga iba’t ibang stakeholders mula sa pribado at pampublikong sector, na makagawa ng tamang programa ayon sa napapanahon at tamang estadistika.  

 

 

Updated: 23 April 2013


comments powered by Disqus  


Sign up for our e-newsletter.Get the latest statistics in your mailbox!
Subscriber to our e-newsletter!

 

The PSA-Makati Central Office
is located at the Midland Buendia Bldg.,
403 Sen. Gil Puyat Ave., Makati City, Philippines

Tel. No. (632) 895-2767; Fax No. (632) 890-8456
URL: http://www.nscb.gov.ph
E-mail: info@nscb.gov.ph /nscbinfo@gmail.com

 

About Us | News | Statistics | Events || Terms of Use

Back to top


Updated 22 August 2014

Ver. 7.2014.159-08.05

1997-2014, Philippine Statistics Authority - National Statistical Coordination Board, Makati City, Philippines